Hindi lingid sa ating kaalaman na ang
sistema ng hudikatura na kasalukyang umiiral sa bansa ay iba sa sistema noong
panahon ng mga kastila. Ang sistema sa kasalukyan at pinaghalong batas na
naiwan ng pamahalaang kastila gaya ng Kodigo Sibil, Kodigo ng Komersyo, at ang
Kodigo Penal na niribesa bago ang pagtatag ng pamahalaang komonwealt. [1]
Sa mga kasong kailangan ng pinal na desisyon, ang maari lamang na tumgon sa
problema ay ang Korte Suprema base sa ating Saligang-Batas ng 1987, Artikulo
VIII.[2]
Noong panahon ng mga Kastila ay sinikap
ng Hari ng Espanya na magkaroon ng Hudisyal na sistema ang kolonya na Filipinas.
Sa pamamagitan ng isang Decreto Royal ay binuo ang Audiencia Royal noong May 5,
1853. Ayon sa dekreto ni haring Filipe II:
“Whereas, in the
interest of good government and administration of our justice, we have accorded
the establishment of Audiencia Royals xxx [3]
We have granted that
the said Audiencia shall have the same Authority and preeminence as each one of
our Audiencia Royals which sit in the town of Valladolid and the City of
Granada of these are realms, and the other audiencias in our Yndias: xxx”
Ayon
pa sa nasabing Diskreto Royal, ang kataas-taasang Hukumang ito ay bubuuin ng
isang Pangulo, tatlong auditors o oidores,
isang Fiscal at ang mga
kinakailangang opisyales.[4] Ngunit ano nga ba ang kapangyarihan na saklaw
ng Audiencia Royal? Paano nga ba ito gumalaw noong panahon ng mga Kastila.
Ibibgay nating halimbawa ang kaso ng Hacienda Calamba noong 1888.
Ang Gobernador-Heneral at
Kapitan-Heneral ang tumatayong Pangulo ng tribunal.[5]
Dahil siya din ay gumaganap na Ehekutibo sa pamamahala ng kolonya ay hindi siya
masyadong tutok sa nasabing posisyon kayat kung minsan ay lumalagda siya sa
isang desisyong ni hindi manlang niya napag-aralan o nasaksihan ang paglilitis.[6]
Apat na Oidores ang bumubuo sa pinakamataas na tribunal sa Filipinas.
Kasama ang isang Fiscal, na siyang
nagdedemanda at nagtatanggol sa ngalan ng hari at sa kapakanan ng mga
nasasakupan nito.[7]
Silang mga myembro ng tribunal ang ay mga makapangyarihang indibidual na ang
pagtatalaga ay nagmula pa sa Hari ng Espanya. Lamang, wala silang karapatang
makisangkot sa negosyo, kalakalan at komersyo, pagtatanim at paghahayupan. Kung
lalabag ang isang isa sa kanila ay pagmumultahin ng sampung ducat at
pagkatanggal sa serbisyo. Ipinagbabawal din para sa kanila ang bumisita ng
pribado sa mga bahay ng mga taong kanilang nasasakupan. Hindi rin sila dapat
maging Ninong o Ninang sa mga kasal o binyag.[8]
Kabilang din ang Aguacil Mayor,
Tiniente del granchancilleir at mga kawani, kung kinakailangan.
Bagamat noong panahon ng mga kastila,
ang Simbahan at Pamahalaan ay may
pagiisang posisyon ngunit magkaibang layunin sa pagpapatupad ng mg autos
ng Haris sa Filipinas, ang Audiencia naman ay may saklaw na makialam sa
pang-aabuso at paglabag sa batas ng mga Prayle. Maari niyang gamitin ang
Ehekutibo, sa pamamagitan ng opisina ng Gobernador-Heneral na siyang
magpapatupad ng batas sa pamamagitan ng mga Guardia-Civil nito.[9]
Bago pa man maitalaga ng Hari ang isang
Oidor, kinakailangan munang inomina siya ng Consejo
de Indias. Kailangang niyang ilahad, ng may panunumpa, ang kaniyang buhay,
pag-aari at posisyon bago siya napili na Oidor ng Hari. Kailangan ang
mabusising pagkikilatis na ito sapagkat sa kalaunang ay maari siyang maging
Gobernador-Heneral pansamantala sakaling mabakante ang posisyong ito.[10]
Bilang isang Oidor, napakahalaga ang
kwalipikasyon at posisyon nito sa pagpapatupad ng mga batas ng Indies at lalu
na, dahil sa ang Audiencia ang huling apilasyon ng mga kaso sa Filipinas, ano
mang desisyon nito ay maaring bumago sa kasaysayan.
Pagdating sa mga kasong inilatag sa
Audiencia, isa sa pinakamalagang kaso na naka apekto sa ating kasaysayan at sa
kridibilidad ng Institusyong Hudikatura ng pamahalaang kastila ay ang Isyu ng Hacienda
sa Kalamba.
Matapos mapasakamay ng mga prayleng
Dominiko ang mga lupain sa Calamba at gawin itong Hacienda, na naglaon ay
umunlad at nagging korporasyon, ang buwis na ibinabayad ng mga prayle sa
pamahalaan ay halaga ng buwis noon pang pagmamayari ito ng mga Heswita. Sa
makatwid, matagal nang nandaraya ang mga dominiko sa pamahalaan hinngil sa
buwis nito.[11]
Sumulat si Jose Rizal, isa sa mga may
pamilyang nakikuupa sa mga Dominiko sa Calamba, ukol sa isyu na ito na at
hiniling na pumagitan na ang pamahalaan ukol sa isyung ito.[12]
Nagkaisa ang mga mamamayan ng Calamba
na magsampa ng kaso ng Unang Dulugang Hukuman ng Calamba. Naipanalo nila ang
kaso, ngunit dahil maraming pera ang mga Dominiko ay iniangat nila ang kaso sa
Audiencia Royal.[13]
Ipinagpalagay naman ni Felipe Buencamino, abugado ng mga Rizal hinggil sa isyu
ng Hacienda na hindi lamang ito basta laban ng lupa o pera para sa mga
dominiko, bagkos laban ng pagbabago hinggil sa pagmamay ari ng mga lupain ng
mga dominiko sa Filipinas.[14]
Ipinagpalagay din ng Gobernador-Heneral,
Valeriano Weyler na ang apilang ito ng mga tao ng Kalamba sa Audiencia Royal ay
pribadong interes at bagkus isang pagkilos tungo sa paghahangad ng kalayaan.[15]
Habang naka apila sa Audiencia Royal ang kaso ay isang araw ng Nobyembre, 1889
personal na bumisita ang Gobernador-Heneral sa Calamba at nagbanta na huwag
making sa mga “ vain promise of ungrateful sons”. [16]
Dahil dito, binantaan din ng mga
Dominiko ang mga mamayan ng Kalamba ng pagpapatalsik sa mga ito sa lupang
kanilang inuupahan na pagmamay ari ng mga prayle.[17]
Ngunit habang hinihintay ang desisyon Audiencia Royal hinggil sa kaso ay lalong
hindi natinag ang mga taga Calamba. Nang panahong iyon ay bumaba ang presyo ng
asukal at dumami pa ang dagdag na singil ng mga prayle sa mga mamayan.
Nakadagdag pa ang kolera na talaga namang nagpahirap sa mga tao. Dahil dito ay
wala ng makain ang karamihan sa mga pamilya sa Calamba. Sa ganitong miserableng
sitwasyon, lalo silang nagkaisang ipagtanggol ang kanilang karapatan sa lupa.[18]
Sa huli, nabaliktad ang desisyon ng
Unang Dulugan at pumabor ang desisyon ng Audiencia Royal sa mga prayle. Agad na
inihanda ni Gobernador-Heneral Weyler ang mga Guardi-Civil at nagtungo sa
Calamba upang ikasa ang order of ejectment ng korte. Ang mga nangungupahan sa
lupa na may direktang kinalaman sa kaso ay pwersahang pinalayas sa Calamba.
Dagdag pa dito ang pagpapatapon sa 25 prominenteng tao sa Calamba na promoter
ng nasabing apila. Kabilang na dito ang ilang myembro ng pamilya ni Rizal.
Sa salin ni Nilo S. Ocampo inilarawan
ni Austin Coates ang pangyayaring ito sa Calamba ng ganito:
“ Hindi na hinintay ni
Heneral Weyler ang resulta ng litigasyon sa Madrid. Xxx Noong 6 Setyembre 1890
pinasok ng mga kawal ang bayan. Mga 30 pamilya, kabilang ang mga Rizal, ang
binigyan ng 24 oras para mag impake at lumisan. Yaong mga hindi tumugon sa utos
ay pwersahang pinagtataboy, ang kanilang mga bahay winasak sa harap nila mismo.
Itinapon sa Mindoro sina Paciano, mga bayaw niya, at dalawampu pang iba. Nang
hindi parin gumagalaw sina Francisco Mercado at Teodora Alonso noong
nakatakdang oras, personal na silang pinalabas.”
Isa sa mahalagang epekto ng desisyong
ito ng Audeincia Royal ay ang pagtingin ni Jose Rizal sa mga pangyayaring
nagaganap. Habang ang desisyon ng kataas-taasang hukuman ay pumabor sa mga
Prayle, at sa kniyang pagtingin ay isa itong kawalang katarungan mula sa
pamahalaang Kastila. Ayon kay Floro C. Quibuyen, ang pangyayaring ito ay isa sa maraming dahilan
upang basahin si Rizal na isang radikal, na nagbago ang pananaw sa mapayapang
pagbabago tungo sa isang rebolusyon. Aniya:
“The Manifestation of
1888, the waves of arrests in 1888 and 1889, the Calamba Hacienda case
confirmed Rizal’s worst fears-express as early as 1887- that relying on the
Spanish government and campaigning for assimilation were a mistake. As the
Calamba tragedy was unfolding, Rizal would find himself moving away from del
Pilar’s assimilationist program. After his break with La Solidaridad, Rizal
returned to the Philippines to start a more militant, more consciously
nationalist movement, La Liga Filipina.”[19]
Paanong sa isang iglap ay pumabor
ang Audiencia Royal sa mga Prayle?
Matatandaan na habang naka sampa palang ang kaso sa kataas-taasang
hukuman ay malinaw na ang posisyon ni Gobernador-Heneral Weyler dito, na siya
ay hindi pabor sa mga pagbabagong ninanais ng mga taga Calamba. Nauna na nating
nabanggit na ang mga petisyon at paking ito ay kinakitaan ng Gobernador-Heneral
ng malisyosong ideya ng pakikipaglaban ng mga mamayan, hindi para sa pribadong
interes, bagkus, repormang panlipunan. Si Weyler, bilang pinuno ng Audiencia
Royal ay malinaw na sa simula pa lang ang kaniyang panig, tila baga hindi pa
man lumalabas ang desisyon ng Audiencia Royal ay alam mo na ang magiging
desisyon nila.
Matapos ang desisyong ito ay lalong
aalab ang puso ni Rizal at iba pang repormista upang lalong pagtingin ang
paghahangad ng reporma sa bansa. Hahantong ito sa hindi lamang reporma kundi
paghahangad ng tunay na kalayaan.
Makikita naman ang malaking pagbabago
pagdating sa Kataas-taasang Hukuman (Korte Suprema) ng dumating na ang mga
Amerikano kung saan hiwalay na ang Ehekutibo sa hudikatura. Lalong lalawak ang
kapangyarihan nito at ang kaniyang pagiging malaya sa ano mang impluwensya
pagdating ng 1935 kapag ipinatupad na ang Saligang-Batas 1935.
[1]Malcolm, George Arthur. The Commonwealth of the Philippines.
(1888-1961). Nerw York. 1936.p188.
[2] Santos, Emmanuel T. The Constitution of the Philippines: Notes and
Comments. p345.
[3] Blair, Emma and James Alexander Robertson. The Philippine
Islands. Vol. V p274.
[4] Ibid, same cite.
[5] Corpuz, Onofre D. Bureaucracy in the Philippines. Institute of
Public Administration. University of the Philippines. 1957.
[6] Ibid, p64. Also in Cronicas del la Apostolica Provincia de S.
Gregorio de Religiosos descalsos de N. S. P.S. Francisco en las Islas
Filipinas, China, Japan etc. Sampaloc. Manila 1738-1744 by J. Francisco de San
Antonio.
[7] See Copuz in Bureaucracy…p.63.
[8] Ibid, p64-66.
[9] Ibid, p66.
[10] Ibid, p67.
[11] Coates, Austin. Rizal:
Makabayan at Martir. Salin ni Nilo S. Ocampo.
University of the Philippine Press. Quezon City. 1995.
[12] Rizal, Jose P. La Verdad Para Todos in La Solidaridad. May 31,
1889. Also in Philippine History Through
Selected Sources by Nicolas Zafra. Phoenix Publishing. 1967.p202.
[13] See Quibuyen in A Nation…p25.
[14] Ibid, p25.
[15] Schumacher, John. The
Propaganda Movement :1880-1895.Ateneo de Manila University Press. 1973. p
223-224.
[16] Ibid, p224.
[17] See Coates in Rizal…p186.
[18] Ibid, 215.
No comments:
Post a Comment