Nota Bene:( Si Eduardson Macorol ay nagtapos sa PUP sa
kursong AB History .Ang saliksik na ito ay ipinahayag sa isang seminar ng
ABH 4-1 na dinaluhan ng apat na Partido sa bansa kabilang na ang Partido Liberal
na ginanap sa PUP Manila.)
Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, isang partido
lamang ang aktibo sa pamahalaan at pulitika sa Pilipinas, ang Partido
Nacionalista.[1] Nakatakda nuon ang halalan ng 1946 at si Sergio Osmeña,
kasalukuyan pang pangulo ng Komonwelt ang napipisil na kandidato ng Partido
Nacionalista. Dahil sa isyu ng kolaborasyon at kung sino ang dapat na maging
standard bearer ng Partido Nacionalista, nagdesisyon si Manuel Roxas at kanyang
mga kaalyado (si Roxas ang Pangulo ng Senado nuon) na humiwalay na sa Partido.
Ang desisyong ito ay naganap sa Selecta Restaurant, Azcarrage, Maynila noong
Nobyembre 4, 1945.[2]
Noong Enero 19, 1946, matapos ang desisyon ni Roxas ay nagkaroon ng Inaugural Convention
sa Sta. Ana Cabaret Hall ang mga NP-Libaral Wing. Sa inagurasyong ito naihalal
si Manuel A. Roxas bilang pangulo at si Elpidio Quirino bilang pangalawang
pangulo. Si Jose D. Avelino naman at Antonio Zacarias ang mga nahalal na
founding Party Chairman at Party Secretary.[3]
Naging mainit ang halalan ng 1946. nilinis ang pangalan ni
Manuel A. Roxas sa isyu ng kolaborasyon mismo ni Hen. Douglas McArthur.[4]
Naging magaling na orador si Roxas habang nangangampanya. Samantala, si Osmeña
naman ay kampante nang maipapanalo ang pagkapangulo dahil sa kanyang dedikasyon
sa bansa sa mga lumipas na taon.[5] Ano pa’t ang halalang ito noong Abril 23,
1946 ay pinagwagian ng Partido Liberal maging ng Kongreso. May 12 Senador, 49
na kinatawan kabilng si Ramon Magsaysay.[6]
Noong Nobyembre 11, 1947 ang eleksyon naman sa local at
Senatorial ang lalong nagpakilala sa Partido Liberal. Matatndaang bago nito ay
ay ang pangalan ng partido ay NP-Liberal Wing. Sa pamamagitan ng pag-alis nito
sa pangalan ng NP ay ganap na ngang hiwalay na partido sa NP ang Liberal ni Roxas.[7]
Isa sa mga ipinanalo sa ilalim ng
Liberal ay si Vicente Madrigal.[8] Kaakibat ng paninindigan ni Roxas ay ang
paninindigan ng Partido. Ang mga isyu tulad ng Military Bases Agreement, Bell
Trade Act at lalo na ang Parity Rights Act na kamuntik niya pang ikamatay
habang kinakampanya ito.[9] Isang barbero, si Julio Guillen ang naghagis ng
bomba sa entablado kung saan nagtatalumpati si Roxas. Nakaligtas si Roxas
ngunit dalawa ang patay sa tanking asisinasyon.[10]
Sa hindi inaasahang pagkamatay ni Roxas noong Abril 17,1948
ay umalili si Elpidio Quirino na kapwa niya Liberal. Ngunit sa halalang 1949 na
para sa pangulo ay kinakitaan ng pagtanggi ng partido na muling manungkulan si
Elpidio Quirino bilang pangulo, sa pamumuno ni Senate President Jose D. Avelino. Si Avelino ang pangulo ng LP
mula Enero 1946.[11] hindi naging maganda ang pamumuno ni Quirino nang mamatay
si Roxas at tila labag ito sa adhikain ng partido at maaring sumira sa
integredad ng mga kasapi. Kamunik pa ngang ma-impeach si Quirino dahil sa isyu
sa dekorasyon sa Malakanyang na nagkakahalaga ng 5,000 pesos.[12] Ngunit hindi
lahat ng miyembro ng LP ay pabor kay Avelino. Dahil dito nahati ang LP sa
Avelino-Liberal at Quirino-Liberal. Pinalitan bilang pangulo ng senado si
Avelino at ipinagpatuloy ang pagtakbo bilang pangulo sa 1949 Eleksyon sa ilalim
ng Liberal.[13] Si Quirino ang pormal na kandidato ng Liberal Party ang nanalo
sa pagkapangulo. Ang halalang ito ang itinuring na pinakamadaya at madugong
halalan sa bansa.[14]
Ang pagkatalo ng pangulo ng Liberal Party na si Avelino ay
nagsilbing daan na lamang upang muling magkaisa ang LP.[15] Malaki ang
repormang naipatupad ng mga ka-partido sa bansa. Si Rep. Ramon Magsaysay ay
napasuko ang mga lider ng Huk kabilang si Luis Taruc noong 1950.[16] Isinulong
ang Magna Carta of Labor, Minimum Wage Law at Basic Labor Legislation noong
1952.Si Eugenio Perez ang isang kinatawan ng Pangasinan ang pangulo noon ng partido.[17] Tinangka ni Quirino na muling
mahalal na pangulo ng bansa habang si Chief Justice Jose Yulo naman ang kanyang
bise. Ngunit, si Ramon Magsaysay na dating LP ang tumakbo sa tiket ng NP.[18]
Alam niyang hindi siya makakakuha ng suporta sa Quirino Liberal Party at wala
na si Avelino sa posisyon bilang pangulo ng LP na siyang maaring magnomina sa
kanya. Si Jose P. Laurel ang kanyang nilapitan at matapos ang isang gabing
pag-uusap, nakuha niya ang nominasyon ng NP.[19] Kasalukuyan naman nuong
nahalal sa ilalim ng LP si Ferdinand Marcos.
Bilang oposisyon, tinutulan ng LP ang Laurel-Langley
Agreement na nagpapaliwanag sa karapatang pang-ekonomiya ng mga Amerikano sa
bansa at lumilimita sa mga Pilipino.[20] Sa kabila ng pagpupursiging ito, si
Claro M. Recto lamang ang nagwaging LP sa Senado sa halalan ng 1955.[21]
Sa pagkamatay ni Magsaysay, si Garcia ang naging pambato ng
NP noong 1957 Presdential Election. Tinapatan ito ng LP ng kandidaturang Jose
Yulo bilang pangulo at si Diosdado Macapagal bilang pangalawang pangulo. Sa
kasaysayan, si Macapagal lamang ang nahalal na pangalawang pangulo ng bansa na
hindi ka partido ang pangulo noong panahong iyon. Dahil hindi siya ka-partido
ni Pangulong Garcia ay hindi siya nito binigyan ng posisyong gabinete at ang
pagiging pangulo ng LP ang kanyang inasikaso.[22] Dalawang LP ang nahalal nuon
sa Senado, si Ambrosio Padilla at ang artistang si Rogelio dela Rosa. Ang LP
naman ng sumunod na halalan ng 1959 ang nag-top sa Senatorial Election sa
pamamagitan ni Ferdinand Marcos. Kasunod ng pagkapanalo ni Macapagal at
Emmanuel Pelaez bilang pangulo at panaglawang pangulo ng 1961 ay muli ring
pinuno ng LP ang Senado matapos manalo ang anim na kandidato nito. Kabilang sa
mga ito ay si Rep. Francisco ‘Soc’ Rodrigo na dating NP.[23]
Naging buo ang suporta ng Partido Liberal sa mga programa ng
Pangulong Macapagal. Itinuturing pa ngang “the most brilliant in the political
history of this country” ang gabinete ni Macapagal.[24] Land Reform Code,
pagapapalit ng araw ng kasarinlan mula Hulyo 4 patungong Hunyo 12, ang pagkuha
sa Espanya ng Spolarium, Maphilindo, at ang Philippni Claim to Saba hang mga
naging programa nito.[25]
Muling itinaas ni Gerardo Roxas ang LP ng mag-top ito sa
1963 Senatorial Election at tatlong iba pa.[26] nahalal namang pangulo ng
senado si Ferdinand Marcos sa ilalim ng LP.[27] Si Marcos nuon ang maugong na
posibleng kandidato ng Liberal Party sa nakatakdang 1965 Election. Ngunit
ninais ni Macapagal ng ikalawa pang termino. Kinailangang lumipat ngayon ni
Marcos upang makuha ang nominasyong pagkapangulo sa NP. Hindi siya nagkamali ng
desisyon. Hindi nagpaubaya si Macapagal ngunit nakuha naman niya ang nominasyon
ng NP.[28]
Bagamat si Jovito Salongga ng LP ang nag-top sa Senado,
natalo naman sina Macapagal at Roxas. Ngunit nakuha naman nito ng mayorya ng
Mababang Kapulungan, kabilang dito si Rep.Ramon V. Mitra.[29] Nauna nang
magbitiw si Ferdinand Marcos bilang pangulo ng partido noong Abril 21,1964.
pinalitan siya ni House Speaker Cornelio T. Villareal.[30]
Ang mga sumunod na taon ng LP sa pulitika ay panahon ng
takot, karahasan at pagpupunyaging maibangon ang dangal at paninindigan ng
partido sa kabila ng matinding panganib sa diktadura ni Ferdinand Marcos. Una
nito ang halalang lokal at Senatorial ng 1967. Ayon kay Sen. Jovito Salongga,
Senador nuon ng LP:
“ In 1967, the Liberal Party fielded a strong Senatorial
Slate. But so scandalous was the resort to wholesale freud and terrorism in
many cities and provinces that only one opposition (LP) candidate, Ninoy Aquino
made it to the winning Circle” [31]
Si Senator Aquino ang matatandaang ng kasong
diskwalipikasyon ng NP dahil sa edad nitong.[32]
Ang 1968 ay taon ng mga pagbabago at pagnanais ng pagbabago.
Si Gerry Roxas ay ang siyang nahalal na pangulo ng LP. Sa Senado, si Senator J.
Salonga sa pamamagitan ng isang privilege speech ay inilahad ang malaking
katiwalian sa administrasyon ni Marcos. Si Sen. Aquino naman ang nagbunyag ng
Jabidah Massacre.[33]
Dahil dito naging mainit sa mata ng administrasyon ang LP.
Hindi nakapagtatakang tangkain ni Marcos ang hindi natupad
ng ambisyon ng mga nagdaang Pangulo. Ang nahalal sa ikalawang termino. Noong
June 15,1969, si Sergio Osmena at Genaro Magsaysay ang napili ng LP na pantapat
sa Marcos- Lopez tiket ng NP. Si Fernando Lopezay matatandaang naging
Pangalawang Pangulo ni Elpidio Quirino sa ilalim ng LP. [34] Si Marcos at Lopez
ang nanalo sa halalan ng 1969 na ayon sa LP ay ginamitan ng 3G ( Guns, Goons,
Gold )[35]
Kasabay ng paglaganap ng Human Rights Violation ng
administrasyong Marcos ay patuloy itong kinundena ng LP. Ang 1971 ay nagbukas
sa malawakang demonstrasyon, rally at mga pagbatikos, ang halimbawa nito ay ang
First Quarter Storm na naganap noong Enero 1970.[36]
Malakas na pambato nuon ng LP si Sen. Aquino bilang Pangulo
sa darating na 1973 Election, pamalit sa bumabaho na nuong pangalan ng naka
dalawa ng terminong Marcos. Sa isang proclamation rally ng LP para sa 1971
Senatorial election, dalawang granada ang inihagis sa entablado. [37] Ang Plaza
Miranda ay binalot ng pagsabog. Dalawang kandidato ng LP ang lubhang nasugatan,
si Sergio Osmena Jr. at Sen. Jovito Salonga at marami pang iba ang namatay at
nasugatan. Si Sen. Aquino ay wala sa okasyong iyon matapos mahuli ng dating.
Kaagad na sinuspinde ni Ferdinand Marcos ang Writ of Habeas
Corpuz. Sa ospital, itinuro ni Sen. Roxas si Pangulong Marcos bilang may pakana
ng pambobomba sa Proclamation Rally ng LP. [38] Ngunit itinuro ni Marcos ang
CPP-NPA na nasa likod umano nito. Anu- ano pa man, ang LP ang nagwagi ng 1971
Senatorial Election. Talo ang lahat ng kandidato ng NP, ang partido ni Marcos.
Hindi na natuloy pa ang 1973 Election matapos ang 2 pagsabog
sa Maynila at tangkang pagpatay kay Defense Secretary Juan Ponce Enrile.
Idineklara ni Marcos ang Martial Law. Nang gabi ng Setyembre 21, 1972, bagamat hindi
pa hayag ang Martial Law ay sunod-sunod ang ginawang pag-aresto sa mga miyembro
ng LP. [39] at isinailalim sa kustodiya ng mga militar.
Mula nuon ay tila nabusalan ang LP. Nang ratipikahan ang
1973 Konstitusyon, ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ng LP sa pamumuno ni
Ramon Mitra, Eva Kalaw at Jovito Salonga ukol dito. Boycot naman ang naging
desisyon ng partido sa 1978 Interim Batasang Pambansa. Maging ang NP ay nawala
sa eksena.
Ang kakatuwang 1981 Eleksyon ay hindi rin sinuportahan ng LP
kasunod ng pagpanaw ni Gerry Roxas. Noong April 18, 1982 si Jovito Salonga ang
humalili sa kanya bilang Pangulo ng LP. Si Sen. Aquino naman ang naging
Secretary- General ngunit pinatay siya sa Tarmac noong August 21, 1983. Muling
bumalik si Sen. Salonga mula sa EU noong January 1985 upang itaguyod ang
partido. Nang magkaroon ng Snap Election si Marcos noong 1986, nagpaubaya si
Salonga at inindorso ang balo ni Aquino, si Corazon Cojuanco bilang Pangulo,
ngunit hindi sa ilalim ng LP. [40]
Naganap ang Rebolusyon sa EDSA. Muling ibinalik ang kongreso
at nakuha muli ni Sen. Salonga ang pinakamaraming boto sa pagka-senador noong
1987. 48 LP candidates ang nagwagi sa Mababang Kapulungan. [41] Napili naman
bilang Pangulo ng Senado si Sen. Salonga.
Sa Senado, pinamumunuan ng LP ang hindi pagratipika sa US
military Bases Agreement. Si Senate President Salonga ang huling dumagdag sa
botong 10 na anti-treaty.[42]
Naging tila sawi ang LP sa mababang Kapulungan. Labing
walong LP representative ang nagtalunan sa LDP dahil sa pressure na aalisan ng
Committee Chairmanship. Labing dalawa dito ang naging tapat sa Partdio
Liberal.[43] Si Rep. Florencio Abad naman ay hindi na nakakumpirma bilang
Kalihim ng Agrarian Reforms dahil siya ay maka magsasaka umano. [44]
Sa halalan ng 1992, si Sen. Salonga at Sen. Aquilino
Pimentel ang naging standard bearer ng LP. Nang matalo sa halalan, nagretiro na
sa pulitika si Salonga. Hinalinhilan siya ni Sen. Wigberto Tanada bilang
Pangulo ng partido noong 1993.
Si Joseph Estrada na dating LP ay nagwagi sa 1998
Presidential Election ang tumalo sa tiket nina Alfredo Lim at Sergio Osmena
III. Nang masangkot si Erap sa kaso ng katiwalian, si LP Rep. Michael Defensor
ang naguna sa pagsampa ng impeachment complaint. Dalawa naman sa mga tumayong
state prosecutor ay LP sa katauhan ni W. Tanada at Eduardo Nachura.[45]
Sa halalan 2001, si Sen. Francis Pangilinan ang nagdala ng
LP sa Senado. 21 Rep. naman at 5 Gov. ang nagwagi sa ilalim ng LP. Nagtop naman
si Sen. Roxas sa 2004 Senatorial Election kasama si LP Sen. Rodolfo Biazon.[46]
Nananatiling aktibo sa kasalukuyan ang LP sa pulitika.
Matatandaan na noong 2005 halos nahati ang LP dahil sa pananatili ng ilang LP
sa suporta sa administrasyong Arroyo at paghingi naman ng pagbibitiw nito.
Ngayon, muling sasabak ang LP sa halalang pang panguluhan. Si Sen. Aquino ang
naging pambato ng partido matapos na umatras ni Sen. Manuel Roxas, na siya
namang tumakbo bilang pangalawang pangulo ni Aquino.
Mga Sanggunian
Abad, Florencio at Jonathan Malaya The Liberal Chronicles:
60 years of the Liberal
Chronicles: 60 yesars of the Liberal Party 1946 – 2006
Manila
Agoncillo, Teodoro A. History of the Filipino People. Quezon
City. 2006
Anderson, Benedict The Spectre of Comparison: Nationalism,
Southeast Asia and the
World. Quezon city. 2004.
Bengzon, Alfredo and Rdrigo, Raul. A Matter of Honor: The
Story of the 1990-91 US
Bases Talk. Pasig City. 1997 – p. 267-270
Gleeck, Lewis. The Third Republic 1964 – 1972. Quezon City.
1983 p. 51-52
Salongga, Jovito R. The Liberal Party. Its Past and New
Politics in the Book Liberal
Manila Times (Dec. 30, 1986)
Philippine Senate
Tan, Samuel K. A History of the Philippines. NHI Manila 1997
[1] Salongga, Jovito R. The Liberal Party. Its Past and New
Politics sa librong Liberal Chronicles ni Jonatan Malaya at Florencio Abad.
2006. p3
[2] Abad, Florencio at Jonathan Malaya The Liberal
Chronicles: 60 years of the Liberal Chronicles: 60 yesars of the Liberal Party
1946 – 2006 Manila p.73
[3] Ibid, p. 74
[4] Agoncillo, Teodoro A. History of the Filipino People.
Quezon City. 2006 p. 434
[5] Agoncillo, Teodoro A. History of the Filipino People.
Quezon City. 2006 p. 435
[6] Abad, same cite, p. 211-212
[7] Ibid, p.74
[8] Ibid, p 213
[9] May malinaw na paliwanag ukol dito si Samuel K. Tan sa
kanayang librong A History of the Philippines . NHI Manila, 1997.
[10] Gleeck, Lewis. The Third Republic 1964 – 1972. Quezon
City. 1983 p. 51-52
[11] Abad, p. 66
[12] Gleeck, p. 94
[13] Sa isang hiwalay na kumbensyon noong May 12, 1949, si
Avelino ay iprinoklamang pambato ng partido bilang pangulo habang si Vicente
Francisco ang bise nito.
[14] Anderson, Benedict The Spectre of Comparison:
Nationalism, Southeast Asia and the World. Quezon city. 2004. p. 206
[15] Abad., p. 75
[16] Agoncillo, same cite, p. 457
[17] Abad, p. 66
[18] Gleeck, same cite, p. 14
[19] Ibid, p. 132
[20] Ibid, p.132, Agoncillo, p. 512
[21] Abad, p. 217
[22] Gleeck, p. 222
[23] Abad, 218. Matatandaan na si Rodrigo ay isa sa mga
tumulak ng Rizal Law.
[24] Manila Times (Dec. 30, 1986)
[25] Gleeck, p. 274 – 299
[26] Abad, p. 79
[27] Philippine Senate
[28] Gleeck, p. 311
[29] Abad, p. 220
[30] Ibid, p. 67
[31] Ibid, p. 9
[32] Abad, p. 80
[33] Gleeck, p. 347 – 350
[34] Abad, p. 80
[35] Ibid, p. 80
[36] Gleeck, p 366
[37] Gleeck p.385
[38] Abad p.10
[39] Ibid, p.80
[40] Ibid, p.181
[41] Ibid, p.82
[42] Bengzon, Alfredo and Rdrigo, Raul. A Matter of Honor:
The Story of the 1990-91 US Bases Talk. Pasig City. 1997 – p. 267-270
[43]Abad, p.86
[44]Ibid, p.87
[45] Ibid, p. 89
[46] Ibid, p. 91
No comments:
Post a Comment