Sunday, March 31, 2013

Pelikula: ni Eduardson Macorol

Mahilig ako sa pelikula. Isa ito sa pinaka mahusay na sining na gawa ng tao. Sa pelikula lumalabas ka sa apat na sulok ng iyong kwarto, pumapasok ka sa kaliit-liitang mundo at sa mundong hindi mo pa nararating o 'di kaya'y hindi kailamanman mangyayari. Ang pelikula ang nagbabalik sa'yo sa nakalipas na kasaysayan at kultura ng iyong lahi. Dito karin namulat ng kamunduhan, ng ka dramahan at ka baduyan na dahil sa natutuwa ang iyong maga mata at kinikiliti ang iyong isip ay halos sambahin mo ang pelikula.

.
Sa mga sususnod na sulatin ay ang aking mga review ng pelikulang Pilipino na nagmulat sa aking kamalayan at pumukaw sa aking pagnanasa sa sining na kahit kailan ay hindi mamatay. Binigyan ko ng mga bagong mukha sina Lino Brocka, Ishamael Bernal, Marilou Diaz-Abaya, Carlos Siguion-Reyna, Peque Gallaga at marami pa. Inalis ko at lumang pagtingin na sila ay direktor lamang, kundi sila'y mga artistang nais gumawa ng  pagbabago sa lipunan sa pamamgitan ng sining.


Sanay magustuhan niyo ang mga review na ito, kung hindi ay panuurin niyo na lamang mismo ang pelikula para kayo na mismo ang magsisilbing kritiko o 'di kaya naman baka mamulat kayo!

No comments:

Post a Comment